in

Ken Chan, may sorpresa para sa lucky fan

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang paghanga sa babaeng hindi takot magpahayag ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila, “Sobrang bilib ako sa mga babaeng malakas ang loob na gumawa ng first move kapag meron silang isang tao na nagugustuhan. Kasi ako personally, bilang isang lalaki, duwag ako sa ganyan eh. Mahiyain kasi talaga ako. Hindi talaga ako ‘yung ma-a-approach kapag mayroon akong babaeng nagugustuhan.”

Samantala, masaya si Ken sa natapos na GMA Artist Center online dating game na ‘E-Date Mo Si Idol’ noong June 11. Sa kanyang special online date, nagkaroon siya ng special dinner kasama ang kanyang masuwerteng fan na si Jana. Hindi lang ‘yan, may sorpresa pang regalo si Ken sa kanyang ka-date. Ayon kay Ken ay ipapadala niya ang suot niyang jacket, emoji pillow at ilang skin care products kay Jana. 

Ngayong Huwebes (June 18), ang Kapuso actress na si Shaira Diaz naman ang sasalang sa ‘E-Date Mo Si Idol.’ Sino kaya ang lucky fan na magkakaroon ng pagkakataong maka-date online si Shaira? Abangan ‘yan at 8pm, sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sheena Halili, buntis na!

Paolo Contis, makakakwentuhan si Pepe Herrera sa ‘Just In’