in

Sanya Lopez at Jak Roberto, bonding time ang pagti-TikTok!

Aliw na aliw ang netizens sa mga TikTok videos ng ‘Bida-bida sibs’ na sina Sanya Lopez at Jak Roberto. Sa bago nilang kulitan video na mapapanood sa kanilang YouTube channel, ipinakita na nagsisilbing dance instructor ni Sanya ang kapatid na si Jak.

Sey ng aktres, “Nagpaturo ako sa bida bida kong kuya ng mga dance challenge sa TikTok, eto kinalabasan. Medyo parang mas litong-lito s’ya sa ‘kin haha.”

Nakakatuwang panoorin si Jak na tila expert sa mga patok na dance steps, at isa na rito ang sayaw na ‘Savage.’ Tinuturing nina Sanya at Jak na bonding moments ang mga vlogs nila at ngayon ay pati na rin ang pag-eensayo ng mga viral mga dance craze ng TikTok. Samantala, kasalukuyang napapanood si Sanya bilang si Danaya sa rerun ng ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

#ThinkTok ng ’24 Oras,’ patok sa viewers

Sheena Halili, buntis na!