Talaga namang inabangan at tinutukan ng Kapuso viewers ang kauna-unahang handog ng GMA Network for 2020, ang ‘All-Out Sundays’ na itinapat sa ‘ASAP Natin ‘To.’ Maliban sa pagiging top trending topic nito sa Twitter kahapon (January 5), winner din ito sa ratings provider na pinagkakatiwalaan ng mga Kapuso!
Nakapagtala ang ‘All-Out Sundays’ ng 6.1% habang ang katapat na ‘ASAP Natin ‘To’ ay nakakuha lamang ng 5.7%, syempre galing ‘yan sa NUTAM. kahit paano ay nakalamang ng 0.4 points ang ‘All-Out Sundays’ sa unang episode nito.
Ibig sabihin niyan ay kinabog ng bagong Kapuso program ang hit pa namang ‘Tala’ craze ni Sarah Geronimo na binigyan ng special episode sa ‘ASAP Natin ‘To!’
Pero teka, kung panalo ang ‘All-Out Sundays’ sa NUTAM, talo naman ito sa Kantar Media. Ayon sa nationwide survey (including urban and rural areas) na ito, ang ‘All-Out Sundays’ ay nakakuha lamang ng 9.7% samantalang ang ‘ASAP Natin ‘To’ ay wagi ng dalawang puntos o 11.7% sa kabuuan.
Kung ang mga malalaking Kapamilya stars ay nagsama-sama sa ‘ASAP Natin ‘To’ para sa Sunday na puno ng kantahan at sayawan, ang ‘All-Out Sundays’ naman ay pinagsama-samang mga talentado at malalaking Kapuso stars para sa all-out entertainment na patok na patok sa buong pamilya, kabilang na riyan ang world-class musical performances, nakakalokang games at ang pinag-uusapan na ngayong live sitcom.
Pero simula pa lang ito ng bakbakan ngayong 2020!
We still need to see kung may staying power ba ang bagong show na ito lalo na sa puso ng management. Tulad ng mga nagdaang shows – mula sa ‘GMA Supershow’ to ‘SOP’ hanggang ‘Party Pilipinas,’ lahat naman sila ay nakaiskor sa kalabang ‘ASAP’ pero hindi naman napanindigan, natigbak din agad.
Let’s just hope na maging maganda itong simula lalo na’t opening salvo ito ng GMA Network para sa kanilang 70th anniversary ngayong taon.