in

Althea Ablan, nagkaroon ng virtual reunion kasama ang fans

Kahit magkakalayo sa isa’t isa, hindi pinalampas ng loyal supporters ng Prima Donnas star na si Althea Ablan na magkaroon ng celebration para sa 2nd anniversary ng kanilang fan club na ‘Althea Fantastic.’

Sinorpresa ng grupo ang Kapuso actress matapos mag-organisa ng virtual get-together para sa espesyal na okasyong ito. Bukod sa kamustahan at kuwentuhan, naghanda rin sila ng pagkain para sa kanilang anniversary.

Tuwang-tuwa naman si Althea sa special treat na ito ng kanyang fans. Kwento niya sa exclusive interview sa GMANetwork.com, “Nakakatuwa kasi may pa cake pa sila. Nakakatuwa lang po kasi kahit hindi kami magkakasama, naghanda pa rin sila at na-celebrate namin ang 2nd anniversary ng group.”

Tiyak na nasulit ang preparasyon at pagkikita ng grupo dahil napasaya nila ang kanilang idolo. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Live chat ng YouLOL boys, trending!

‘Unang Hirit,’ namigay ng tulong sa mga apektado ng COVID-19