in

Rocco Nacino, certified ‘plantito’ na; magkakaroon ng urban gardening tutorial

Ang pag-aaalaga ng halaman ang isa sa mga nakahiligang gawin ni Rocco Nacino noong magsimula ang enhanced community quarantine.

Sa katunayan, ginawa pa nila itong negosyo ng kanyang girlfriend na si Melissa Gohing na tinawag nilang ‘All About Plants.’ Ilan lamang sa kanilang mga ibinebentang produkto ang indoor plants na kinagigiliwan ng “plantitos” and “plantitas” ngayon.

Post ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account, “Isa sa mga naging hilig ko noong habang naka-ECQ tayo ay ang mga halaman. ‘Di ko akalain na napaka-interesting pala mag-alaga ng mga ito. Ipapakilala ko sa inyo ang dalawa sa mga alaga ko. Sa kaliwa, ang Monstera Deliciosia, at sa kanan, ang Monstera Thai Constellation, ang mga kinababaliwan ng mga Plantitas ngayon. At yes, Plantito na rin ako! Kaya nasimulan namin ang @allaboutplantsph!”

Kaya naman bilang special treat sa kanyang kapwa plant parents, magsasagawa si Rocco ng isang urban gardening tutorial para sa pangalawang live broadcast ng ‘DOTS How You Do It’ sa Facebook page ng Descendants of the Sun. Ipapakita ng aktor ang ilang gulay at herb na pwedeng itanim sa bakuran ng bahay.

Abangan ‘yan bukas, June 11, 7pm sa Facebook page ng ‘Descedants of the Sun.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Live cooking session ng Kapuso artists, patok sa netizens

Kate Valdez, anong reaction sa apology vlog ni Barbie Forteza?