in

Live cooking session ng Kapuso artists, patok sa netizens

Nakakaaliw ang live cooking sessions ng ilang Kapuso celebrities na napapanuod online sa “ECQusina: Pinoy Kusina Stories Ngayong Quarantine” hatid ng public affairs show na Pinas Sarap.

Gamit kasi ang mga pagkaing madalas nasa kusina dahil na rin sa pinatutupad na community quarantine, ibinabahagi ng featured artist of the week ang kanilang recipe sa netizens.

Nauna nang nagluto si Betong Sumaya ng kanyang Ginisang Sardinas. Sinundan naman ito ni Buboy Villar na pina-level up ang kanyang Fried Instant Noodles. Ang online sensation naman na si Jelai Andres, Sinigang na Corned Beef ang itinuro sa mga netizen. At ang actress na si Katrina Halili, Fried Egg Rolls recipe ang ibinahagi.

Patok nga sa netizens ang mga live cooking session na ganito. Nakatutuwa kasing makita ang mga iniidolo nila na nagluluto gamit ang mga de lata at instant noodles na common na pagkain ngayong naka-community quarantine pa rin ang karamihan. Hindi nga bababa sa 100K views ang bawat video ng ECQusina.

After ni Katrina, ang mag-asawang Archie Alemania at Gee Canlas naman ang magpapakitang-gilas sa kusina sa June 12. At tiyak na ikatutuwa naman ng fans ni Ken Chan na makita nila ang kanilang idol sa June 19. Mapapanuod ang ECQusina Live Cooking Celebrity Edition tuwing Biyernes ng hapon sa Facebook page ng Pinas Sarap. Tuwing Huwebes naman, ang Pinas Sarap host na si Kara David ang nagluluto live.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso kilig teams, magtatapat sa Quiz Beh!

Rocco Nacino, certified ‘plantito’ na; magkakaroon ng urban gardening tutorial