in

Kapuso kilig teams, magtatapat sa Quiz Beh!

Bagong pares ng Kapuso stars ang sasabak sa GMA Artist Center online game show na ‘Quiz Beh!’ kung saan sila ay makikisaya at maglalaro ng word guessing game.

Ngayong Biyernes, ang Magkaagaw stars na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales ang makikipagtagisan ng talino laban sa StarStruck Season 7 alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

Abangan sila sa ‘Quiz Beh!’, hosted by Betong Sumaya, ngayong June 12, 3PM sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center YouTube Channel!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, tuloy pa rin ang floral business

Live cooking session ng Kapuso artists, patok sa netizens