in

Mikael Daez at Megan Young, pinagkaka-gastusan ang hilig sa gaming

Aminado ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na malaking parte ng kanilang buhay-mag-asawa ang pagkahilig nilang pareho sa gaming.

Sa podcast nilang #BehindRelationshipGoals, tinalakay nina Mikael at Megan kung tama nga ba na pagkagastusan ang paglalaro ng online games.

Inamin man ng Kapuso couple na gumagastos sila pagdating sa kanilang gaming hobby, mainam na alam ng gaming enthusiasts kung hanggang saan lamang ang hangganan nang paglalabas ng pera para rito.

Pagbabahagi pa ni Megan, natututunan nila ito ni Mikael sa tila ‘masakit’ na paraan nang makita nila ang kanilang credit card bill.

“It was a moment of me being irresponsible and not disciplined at all. But when I told her, she put me in my place. She told me, ‘You can’t do this. So you have to fix it. It was nice hearing that but I could only hear that if I was honest with her,” ani Mikael.

Importante raw ang maging tapat pagdating sa lahat ng bagay upang maiwasan ang miscommunication sa pagitan ng mag-asawa.

Samantala, habang hindi pa rin napapanood si Mikael sa GMA series na Love of my Life, maaaring tutukan sila ni Megan sa YouTube channel ng aktor o sa kanilang YouTube channel na Megan & Mikael Podcast.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eugene Domingo, malaki ang pasasalamat sa GMA Network

Luane Dy, isa nang ‘Padede Mom’