in

Eugene Domingo, malaki ang pasasalamat sa GMA Network

Taos-puso ang pasasalamat ni Dear Uge star Eugene Domingo sa Kapuso Network dahil sa ibinibigay nitong pagkakataon sa kanya na makapagpasaya ng mga manonood.

Marami raw siyang natutunan sa ilang taon niyang pamamalagi sa GMA-7.

“Ako ay natutuwa dahil bilang isang artista, lalo kong na-improve at na-develop ang talent ko bilang isang host dahil sa programang ibinigay ninyo sa akin,” saad ni Uge.

Mula raw Cool Center, Wachamakulit, Comedy Bar, Celebrity Bluff hanggang Dear Uge Presents na napapanood every Sunday, masaya si Eugene na hindi lang kasiyahan ang naibabahagi ng kanyang shows sa mga manonood kundi pati na rin kaalaman.

“Bukod sa marami tayong napapasaya ay informative din ang programa ng GMA,” ani ng aktres.

Isa lamang ang Dear Uge sa mga programa ni Uge na nakatanggap ng recognition at awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Kaya naman proudest Kapuso moment niya raw ay tuwing nare-recognize at nakakatanggap ng awards ang kanyang mga programa na dahilan daw kung bakit patuloy nilang pinagbubutihan ang kanilang trabaho.

“Pinagbubutihan po namin ang aming trabaho para mabigyan po namin kayo, ang mga televiewers at supporters, ng mga programang original, entertaining, and at the same time informative.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

’24 Oras,’ di lang sa pagbabalita nakakatulong

Mikael Daez at Megan Young, pinagkaka-gastusan ang hilig sa gaming