in

Yasmien Kurdi, at home sa pagiging Kapuso

Simula nang baguhin ng ‘StarStruck’ noong 2003 ang buhay ng aktres na si Yasmien Kurdi, nananatili siyang loyal Kapuso at aminado siyang parang pamilya na ang turing niya sa mga nakakasalamuha sa home network.

Dito raw niya kasi binuo ang career niya sa industriya at nagpapasalamat siya sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa kaniyang talento. Sa isang interview, ibinahagi ni Yasmien kung gaano siya ka-grateful sa pagiging isang Kapuso.

Aniya, “Sobrang proud ako nun kasi kung hindi rin dahil sa GMA, hindi ko mararating ‘yung mga pangarap ko sa buhay.”

Matatandaang tinagurian siyang First Princess sa pinaka-unang season ng StarStruck at pinagbidahan ang mga sumikat sa seryeng ‘Babangon Ako’t Dudurugin Kita’ at ‘Saan Darating Ang Umaga?’.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, ibinahagi kung kanino nagmana si Baby Summer

Rhian Ramos, naniniwalang epektibo ang rerun ng teleseryes ngayong quarantine