in

Kyline Alcantara at Yasser Marta, excited nang bumalik sa taping

Sa Press Play video ni Kapuso PR Girl sa YouTube, sinagot ng ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’ stars na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta kung ano ang mga bagay na excited silang gawin at gusto nilang puntahan after nitong quarantine.

Paalala ng dalawa, dapat ay manatili pa ring maingat at bawasan ang paglabas para maiwasan ang COVID-19.

“Siguro ngayon work lang, and then paminsan-minsan na lang ‘yung labas with friends, hindi na katulad nang dati na consciously you can just go out. We all need to be more careful. Tulad ngayon, hindi dahil GCQ na ay lalabas na tayong lahat,” saad ni Kyline.

Para naman kay Yasser, pagmo-motor ang na-miss niyang gawin, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin. Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag Playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang. Pero dahil mahilig ako mag-motor, nami-miss ko ‘yung madalas ako nagpupunta sa malalayong lugar kasi mahilig ako sa nature.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, Thai skincare endorser na rin

Shaira Diaz, proudest Kapuso moment ang makatrabaho sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado