in

Rhian Ramos, mas gumanda ang komunikasyon sa boyfriend ngayong quarantine

Aminado mang nahirapang mag-adjust noong sumailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila, may positibo pa ring karanasan si Love of my Life star Rhian Ramos nitong nakalipas na buwan at iyon ay ang pagkakaroon nito ng mas magandang komunikasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa loob ng dalawang buwang pamamalagi sa bahay ay natutunan daw ng Kapuso actress ang pagpapahaba ng kanyang pasensiya.

“Personally, what’s been good about it is my patience is better now. In the past, I can say good things about my personality but I’m not a patient person.”

Gayunpaman, binahagi ni Rhian na may negatibong epekto rin ang nagdaang ECQ gaya na lamang ng limitadong income pati na rin ang pagkakaroon niya ng cabin fever.

“The negatives are obviously, income is suffering. And just the cabin fever, depression once in a while, but handleable. I’ve been through worse things in my life. I remind myself that any bad thing is kaya.”

Habang tigil pa rin sa taping ang seryeng Love of my Life, napapanood muna si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven kasama si Dingdong Dantes sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, binati ang anak ni Kris Aquino na si Josh sa kaarawan nito

Jak Roberto, natanggap na ang Gold Play Button