in

Coco Martin, papayag kayang umurong? 1st timeslot, dapat ilagay ang ‘Starla’

Apat na taon nang hawak ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco Martin ang first timeslot pagkatapos ng ‘TV Patrol’ sa ABS-CBN Primetime Bida.

Apat na taon na rin itong #1 nationwide ngunit kamakailan lamang ay natalo ito ng teleseryeng ‘The General’s Daughter’ na nasa second slot sa Kantar Media at sa NUTAM naman, ilang beses nang nag #1 ang teleseryeng pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Ang ‘The General’s Daughter’ ay nakatakdang palitan ng ‘Starla’ next week. Kumpara sa ‘The General’s Daughter,’ talagang pambata ang theme ng ‘Starla’ at maraming mga viewers ang umaasang ilalagay ito sa first timeslot.

Pero ang tanong, kaya bang magpaubaya ng team ni Coco Martin na halos same team lang din ni Judy Ann Santos? Kung magkakasundong magpalit, mukhang ang mga viewers ang mga mananaig.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Shocking!? Jennylyn Mercado named Dingdong Dantes’ leading lady in Pinoy ‘DOTS’

Paano na ang JaDine? James Reid, ibang makakasama sa teleserye