in

Katrina Halili, ibinahagi ang sinulat na kanta ng anak na si Katie

Proud mommy ang Kapuso actress na si Katrina Halili matapos niyang i-post sa Instagram ang ginawang kanta ng kanyang unica hija na si Katie.

Aniya, “Good mood ata ang baby. Siya raw ang gumawa ng song, kinakanta niya sa akin every night since last week bago ako matulog. Paulit ulit lang yun lyrics, pero nagulat ako sa ginawa nya sa dulo. Love you baby.”

Kwento ng Prima Donnas star sa video ni Katie na pinost nito sa Instagram.

Maging ang kanyang followers ay humanga sa husay ng anak sa paggawa ng kanta. May nagkomento pa ng, “Ang galing ng anak mo nakakatuwa paulit ulit ko pini-play ‘yung kanta nya.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Buhay quarantine ni ‘Pepito Manaloto,’ dapat abangan!

Mark Herras at Nicole Donesa, engaged na!