in

Kim Domingo, maraming pasabog sa unang vlog

Sa unang Youtube vlog niya, na-share ng Kapuso star na si Kim Domingo na hindi naging madali ang desisyon niyang ihinto ang kanyang sexy image. Mayroon din daw na hindi naintindihan ang naging desisyon niya.

“’Yung mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako, ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng bayan. Hindi sa pagmamayabang, pero pumutok talaga ‘yung pangalang Kim Domingo noong nagpa-sexy ako. Maraming nawala pero ang hindi n’yo alam maraming pumalit doon sa mga nawala. Mas maraming taong nagmamahal sa akin ngayon. May mga nawala pero may mga pumalit,” aniya.

Kuwento pa ni Kim, masaya siya dahil alam niyang ang fans niya ngayon ay nirerespeto siya. “Ang daming taong mas nakaka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank you. Ganito pala yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kesa doon sa mga ‘Ang sexy mo, ang hot mo!’

Nilinaw naman ng aktres na hindi siya tutol sa mga nagpapa-sexy. “Hindi ako against sa nagpapa-sexy kasi nanggaling ako diyan e. Sino ako para manghusga. Masayang masaya ako. Gusto kong malaman ninyo na masayang masaya ako doon. I’m free!”

Samantala, balita namin ay marami pang YouTube videos na gagawin si Kim. Ano kaya ang mga ito? Subscribe na sa kanyang channel para laging updated! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso at Kapamilya stars, dadalo sa ‘Walang Tulugan: The Reunion’ online

Jillian Ward, Tiktok millionaire na!