Isa sa mga bagong pinagkaka-abalahan ng ‘Encantadia’ star na si Gabbi Garcia ngayong naka-quaratine ay ang pag-shopping ng mga home decor!
Aniya, parang naging hobby na niya ito at nais niyang ibahagi ang kaniyang mga tipid tips na tiyak magugustuhan ng mga Pinoy na gusto pa rin maging praktikal.
Aniya, “Thinking ng mga Pinoy, ‘pag artista ka, magastos, they prefer expensive stuff pero hindi talaga. Papasok pa rin talaga ‘yung pagiging praktikal. For me kasi, home shopping, home décor shopping na mura, it’s something like therapeutic sa ‘kin. Ang sarap sa feeling na nakakabili ka ng alam mong maganda pero praktikal.”
Kaya naman, sa latest vlog ni Gabbi, shinare niya sa mga fans at viewers kung saan siya nakakabili ng magaganda, mura, ngunit may quality na home decors.
Laking pasasalamat naman ng mga nakapanood ng kanyang vlog dahil nakatulong ito sa kanila lalo na sa panahon ngayon!