in

Jeric Gonzales, hinarana ang mga netizens

Kay sarap pakinggan ng pagtugtog noong Martes ng ‘Magkaagaw’ star na si Jeric Gonzales! Perfect para sa mga naging stressful ang buong araw dahil napaka-relaxing ng piano cover niya ng kantang ‘Lullaby’ ng sikat na Korean performer na si IU.

Sa IGTV ini-upload ng aktor ang video dahil kamakailan daw nakaranas siya ng ‘L.S.S.’ dito sa kakapanood ng Hotel Del Luna sa Netflix. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang fans at pinuri ang galing ng aktor hindi lang sa pag-arte kundi pati rin sa paggamit ng iba’t ibang instruments.

Samantala, mapapanood naman online sa GMA Network App ang nakaraang episodes ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ bilang tugon sa mga netizens na nakaka-miss sa serye.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Will Ashley, tatanggap na ng Silver Play Button mula sa YouTube!

‘Unang Hirit’ barkada, miss na ng viewers mapanuod na magkakasama