in

Janine Gutierrez, thankful sa kanyang alagang aso

Isa raw sa ipinagpapasalamat ni Kapuso actress Janine Gutierrez ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan ngayong nasa gitna pa rin ng COVID-19 crisis ang ating bansa. Matatandaang lumipat si Janine sa kanyang sariling condo unit noong 2016.

“Na-appreciate ko ‘yung bahay ko ngayon. Whatever I can find here na can be of use to someone else, I’m grateful that I have that,” pahayag niya. 

Bukod dito, thankful din daw siya sa kanyang alagang aso na si Ponche dahil ito raw kasi ang kasama niya sa condo simula ng pinatupad ang quarantine sa bansa.

“I never got to spend so much time with him until now because I’m always at work and naiiwan siya dito sa bahay. I’m glad that he’s here with me,” aniya.

Mag-isa man sa kanyang tahanan, sinisikap pa rin ni Janine na mag-vlog para maghatid ng saya sa kanyang subscribers sa YouTube. Dito rin daw niya unti-unting natututunan ang new normal na haharapin ng bansa sa mga susunod na buwan. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Legaspi twins, may binuking tungkol sa isa’t isa

Aicelle Santos, suportado ang fundraiser para sa pedicab drivers ng Intramuros