in

Gabby Concepcion, ipinasilip ang abs sa fans

Kahit stop taping ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion dahil sa pinatupad na lockdown sa Luzon, sinisigurado nito na may pinagkakaabalahan pa rin siya at nagiging productive ang pananatili niya sa kanyang homestead sa Batangas.

Sa kanyang recent Instagram post, ginulat ng Kapuso actor ang kanyang followers matapos magpost ng kanyang macho physique pati ang kanyang abs! Ayon kay Gabby, ang kanyang pangangatawan ay resulta ng kayang pagwo-workout.

Aniya, “Working out is a way to keep my mind and body busy during this lockdown period of uncertainty. What are you doing to stay healthy during these times? Let me know!”

Bumuhos naman ang papuri ng netizens sa kanyang pangangatawan at may nagsabi pa na kamukha niya si Wolverine na ginampanan ng Hollywood actor na si Hugh Jackman. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza at Jak Roberto, tatlong taon na ang relasyon!

Elijah Alejo, binalikan ang unforgettable memories niya sa ‘My Husband’s Lover’