in

‘Encantadia’ fever, damang-dama ni Gabbi Garcia!

Muling umuusbong ang Encantadia fever dahil sa rerun ng hit Kapuso series sa gitna ng community quarantine.

Hindi lang mga dating fans ang na-excite sa muling pagbabalik ng mga minahal na sang’gre kung hindi pati ang bagong henerasyon na mga fans ng telefantasya na kung tawagin ay Encantadiks.

Bukod sa fans, maging ang mga sang’gre na sina Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Sanya Lopez ay damang-dama rin ang panunumbalik ng suporta at pagmamahal mula sa sumusubaybay ng Encantadia lalong-lalo na sa social media.

“Nakaka-throwback siya nang sobra. I did Encantadia 17, 18 years old ako. Nakakatuwa kasi every night, we can see all the tweet. I can read all the tweets na parang nagpa-trend pa rin,” ani ni Gabbi na gumaganap bilang si Sang’gre Alena.

Dagdag pa ng Encantadia star, hanggang ngayon daw ay may mga humihiling pa rin ng Season 2 ng naturang serye.

Nakakatuwa ring ibinahagi ni Gabbi nang minsan pang may nag-message sa kanyang fan na buntis na isusunod daw ang pangalan ng magiging anak sa karakter nitong si Alena.

Patuloy na napapanood ang rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan at Rita Daniela, makikibahagi sa Bayanihan Musikahan

Carla Abellana at Tom Rodriguez, pinatakam ang netizens