in

Ken Chan at Rita Daniela, makikibahagi sa Bayanihan Musikahan

Mapapanood sa gabi ng May 19 ang Bayanihan Musikan: Free Facebook Live Concert Series ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Isang live online performance ang inihahanda nina Ken at Rita para sa kanilang fans at para sa mga taong nais makatulong sa mga naapektuhan ng krisis.

Ang Bayanihan Musikahan ay isang initiative ng mga OPM artists para makatulong sa ating mga nangangailangang kababayan ngayong may COVID-19 crisis.

Ayon sa post ni Rita, “They say never stop doing little things for others. Sometimes those little things occupy the most in their hearts. Join Ken and I as we share a night of music with you.”

Abangan sina Ken (8:00pm) at Rita (8:45pm) live sa Bayanihan Musikahan Facebook page. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, nanawagan ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Ambo

‘Encantadia’ fever, damang-dama ni Gabbi Garcia!