in

Jo Berry, muling nagpasalamat sa tumangkilik ng ‘Onanay’ rerun

Inere noong nakaraang Biyernes ang finale episode ng rerun ng pumatok na primetime series na ‘Onanay’ sa GMA Afternoon Prime.

Ikinatuwa ng mga televiewers na muling mapanood ang nakaka-antig na kuwento ng bidang si Onay at ng kaniyang mga anak tuwing hapon habang hindi pa muna nakakabalik sa regular programming ang mga teleserye ng Kapuso Network.

Nagpasalamat ang aktres na si Jo Berry sa lahat ng muling sumubaybay dito, “Maraming Salamat po sa lahat ng nagmahal at sumubaybay ulit sa Onanay! Last VO ni Onay March 15,2019 around 2pm maga yung mata ko from iyak and no sleep, medyo iba din yung boses ko nyan.”

Bukod kay Jo, naging bahagi din ng Onanay sina Nora Aunor, Mikee Quintos, Kate Valdez at Cherie Gil.

Pinalitan naman ito ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na ‘Stairway to Heaven’ simula noong Lunes kung saan makikita ulit ang chemistry ng tambalang Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jillian Ward, ibinida ang cooking skills ng kaniyang ama

Janine Gutierrez, nanawagan ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Ambo