in

Rhian Ramos, binalikan ang mga alaala sa taping noon ng ‘Stairway to Heaven’

Muling napanood ang isa sa mga pinakaminahal na serye sa Kapuso Network na ‘Stairway to Heaven’. Isa itong local adaptation na pinagbidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos mula sa Korean version ng naturang drama.

Taong 2009 nang una itong ipalabas sa GMA-7at 18-anyos lamang si Rhian noon.

Kuwento ng aktres, isa sa mga naaalala niya noong nagte-taping sila ay kung paano siya padalhan ng mommy niya ng pagkain sa set, “Naaalala ko before ‘yung mga times sa pinapadalhan kami ng mommy ko ng pagkain sa set. Nung time na ‘yun nagte-taping kami sa Enchanted Kingdom. Nagse-share kami, kumakain kami altogether. Tsaka before, kami lang tao dun sa theme park pero pag sinabi namin na gusto naming mag-rides, pumapayag sila. Siyempre bagets pa ko nun kaya gustong gusto naming mag-rides.”

Napapanood ang ‘Stairway to Heaven’ pagkatapos ng ‘Ika-6 Na Utos’ sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Unang #GMATelebahay video, isang tribute para sa mga nanay

Barbie Forteza at Joshua Dionisio, sinariwa ang kanilang tambalan sa ‘Stairway to Heaven’