in

LOOK: FiLay loveteam, unstoppable ang kasikatan!

Ang art form na ito ay sumusunod sa anamorphosis design principle, isang 3D technique kung saan ang isang larawan ay mukhang baluktot ngunit lumalabas na normal kapag tiningnan mula sa isang partikular na anggulo.

Wala na talagang makakapigil sa pagiging influential ng FiLay loveteam!

Kaya naman hindi nakakapagtaka na ma-feature ang sikat na tandem nina Barbie Forteza at David Licauco sa Rice Paddy Art of Future Rice Farm na taunang atraksyon sa turismo sa loob ng Philippine Rice Research Institute sa Barangay Maligaya, Nueva Ecija.

Ang art form na ito ay sumusunod sa anamorphosis design principle, isang 3D technique kung saan ang isang larawan ay mukhang baluktot ngunit lumalabas na normal kapag tiningnan mula sa isang partikular na anggulo.

Komento nga ng isang fan sa bagong achievement na ito ng Team Filay, “Galing naman ng mga kabataan na gumawa niyan. Tunay na kahanga-hanga. Sure akong proud ang 2 artista na sina Barbie at David dito. Inspirasyon nila ang FiLay kasi tunay namang iniidolo sila ng mga kabataan. Parehas silang mapagmahal na mga anak sa kanilang pamilya.”

Kaya naman, siguraduhing naka-follow sa social media sites ng GMA Network para updated sa upcoming shows and projects ng FiLay.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Panukalang magbibigay ng Tax Break sa mga Film at Music Industries, inihain ni Sen. Lito Lapid sa Senado

Mapanlinlang ang panlabas na anyo at ang mababangong salita sa pelikulang ‘Paupahan’