in

Mga Nominadong Celebrities at Influencers Sa Push Awards 2022, Pinangalanan Na

Ang mga mananalo para sa lahat ng kategorya ay iaanunsyo sa Marso 31.

Bukas na ang botohan para sa mga paborito nyong artista, loveteams, musicians at influencers para sa Push Awards 2022. Patuloy ang Push.com.ph sa pagbibigay parangal sa mga kahanga-hangang indibidwal na patuloy sa paghatid ng tuwa at inspirasyon sa mga fans at netizens.

Mula sa sampung kategorya, nominado ang trending love teams nina DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano), FranSeth (Francine Diaz at Seth Fedelin), KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad), BarDa (Barbie Forteza at David Licauco), at LoiNie ( Loisa Andalio at Ronnie Alonte) para sa “Popular Love Team of the Year.”

Mula sa on-screen pairings to real-life couples, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Vice Ganda at Ion Perez, Cong TV at Viy Cortez, Ellen Adarna at Derek Ramsay, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay mga celebrity sweethearts na hashtag couple goals ay nag lalaban para sa titulo bilang “Power Couple.”

Ang mga celebrity moms na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga kapwa ina at netizens tulad nina Melai Cantiveros, Marjorie Barretto, Andi Eigenmann, Dimples Romana at Anne Curtis, ay nominado para sa “Celebrity Mom of the Year” award.

Kikilalanin din ng “Favorite Onscreen Performance” ang mga aktor na nangibabaw ang pag-arte sa ginampanang karakter at talagang pinag usapan sa social media. Kasama sa kategoryang ito sina Kathryn Bernardo (“2 Good To Be True”), Jodi Sta. Maria (“Broken Marriage Vow”), Baron Geisler (“Doll House”), Jane De Leon (“Darna”) at Janella Salvador (“Darna”).

May chance na din na bumoto ang mga Pinoy music lovers para sa kanilang “Music Artist of 2022” mula sa mga OPM performers tulad nina Zack Tabudlo, Ben&Ben, Moira Dela Torre, Morissette at Sarah Geronimo. Gayundin, ang mga bagong music artists tulad nina Adie, mrld, Ace Banzuelo, Khimo Gumatay at Arthur Nery ay maaaring gawaran bilang “Breakthrough Music Artist of the Year.”

Ang mga pop groups na patuloy sa pagpapakita ng world-class Pinoy talents tulad ng SB19, 1ST.ONE, BGYO, BINI at KAIA ay nomindo sa “P-pop Group of the Year.”

Samantala, ang mga content creators na laging trending dahil sa kanilang mga good vibes na vlog at stream ay nominado para sa “Content Creator of the Year,” kasama dito sina Cong TV at Viy Cortez’s Team Payaman, Slater Young at Kryz Uy’s #SkyFam, MELASON, Toni Fowler’s Toro Family and Small Laude.

Sa kanilang malakas na appeal sa social media, ginagamit ng mga indibidwal na ito ang kanilang platforms para mag bigay inspirasyon at saya tulad nina Maxene Magalona, Mimiyuuh, Heart Evangelista, Kristel Fulgar at Xian Gaza, na nominado para sa “Social Media Personality of the Year.”

Isa kina Liza Soberano, Joshua Garcia, Bretman Rock, Niana Guerrero at Mona Alawi na patuloy sa pag gawa ng mga trending TikTok videos ay pararangalan bilang “Push Trending TikToker.”

Ang espesyal na “Push Inspiration 2022,” ay igagawad sa iilang indibidwal na kumakatawan sa Pinoy empowerment at nag papataas ng moral ng kapwa Pilipino sa gitna ng mga pagsubok sa panahong ito.

Maari nang bumoto ang mga fans para sa push.com.ph/vote simula Pebrero 26 hanggang Marso 26. Ang mga mananalo para sa lahat ng kategorya ay iaanunsyo sa Marso 31. Para iba pang celebrity entertainment updates, news at trivia bisitahin ang Push.com.ph.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bamboo, KZ Tandingan, at Martin Nievera, aarangkada na sa pagiging coach sa ‘The Voice Kids’ ngayong weekend

Iba’t Ibang Yugto Ng Pag-Ibig Tampok Sa 5 Bagong Kanta