in

Darna, naghatid ng sorpresa sa mga Jeepney Driver

Lumalalim na rin ang pagkakaibigan sa pagitan nina Narda at ni Noah Vallesteros (Paolo Gumabao) na nagsimula nang manligaw sa dalaga.

Lumapag si Darna sa Guadalupe, Makati City upang magbigay saya sa ilang jeepney drivers. Ito ang unang stop ng #DarnaAll tour na nakatakdang magpasaya sa mga maituturing na bayani ng kalsada.

Pinangunahan ito ng bida ng “Mars Ravelo’s Darna” series na si Jane De Leon (Narda Custodio/Darna) kasama sina Mark Manicad (Ali Corpuz) at LA Santos (Richard Miscala).

Namigay ang “Darna” cast ng stickers at face towels sa mga jeepney driver at game na game rin silang nakipag-selfie sa fans. Mababasa sa mga sticker ang mga salitang ‘Ang hindi magbayad lagot kay Darna’ at ‘Ding, barya lang sa umaga.’

Dagdag pa rito, sumabak din si Darna sa pagiging konduktor ng isang jeep.

Samantala, patuloy ang excitement sa serye dahil sa tumitinding galit ni Regina kay Darna, lalo pa ngayon na nadiskubre ni P02 Brian Robles (Joshua Garcia) na sinet-up lamang ni Silent Shocker (Boom Labrusca) ang superhero para magalit ang mga tao rito. Pinakilala naman ng Babaeng Ahas ang sarili bilang ‘Valentina’ sa niligtas niyang biktima ng dalawang magnanakaw.

Lumalalim na rin ang pagkakaibigan sa pagitan nina Narda at ni Noah Vallesteros (Paolo Gumabao) na nagsimula nang manligaw sa dalaga.

Mapapanood ang “Darna” gabi-gabi, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Tubero,’ sexy-romance sa direksyon ni Topel Lee na pinagbibidahan nina Angela Morena, Vince Rillon, at JC Tan

ABS-CBN News Chief Ging Reyes, tinanghal na 2022 Southeast Asia Laureate for Wan-Ifra Women in News Editorial Leadership