Kaya mo bang tiisin at pagdaanan ang lahat para sa pag-ibig?
Ang Vivamax Original Movie na Tubero ay isang sexy-romance sa direksyon ni Topel Lee na pinagbibidahan nina Angela Morena, Vince Rillon, at JC Tan. Ito ay kwento ng pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan. Mapapanood na ang Tubero ngayong October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax.
Kwento ito nina Paula (Angela Morena) at Logan (JC Tan), at kung paanong susubukin ang kanilang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan. Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon.
Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay aliw sa mga nagiging clients nito. May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makakatulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo. Ituloy pa rin kaya niya ang planong ayusin ang meron sila ni Logan? O magbago ang isip niya at mas piliin na makasama si Gimo?
Mula sa Viva films at sa direksyon ni Topel Lee, bibida sa Tubero si Angela Morena na napanood natin sa Vivamax Original movies na Ex-Deal 2 at 5-in-1 at sa Vivamax Series na Iskandalo at High (School) on Sex. Ito ang unang pagsasama nila ng hunk actor na si Vince Rillon na kilala sa kanyang mapangahas na pagganap sa Pusoy, Kaliwaan at Virgin Forest, maging sa L Series. Ito naman ang unang Vivamax movie ng new Viva hunk na si JC Tan.
Humanda nang tumaya, magkamali at gawin ang lahat para sa pag-ibig. Mapapanood na ang Tubero sa Vivamax ngayong October 21, 2022.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Mapapanood na rin ang Tubero sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.
Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!