in

Lapillus at Top six ng Idol PH Season 2, aarangkada sa ‘ASAP Natin ‘To’

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Lapillus at Top Six NG Idol Ph Season 2, Aarangkada SA ‘ASAP Natin ‘To’Mas maraming sorpresa pa mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists ang aarangkada ngayong Linggo (Setyembre 11) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang breakout fourth-gen K-Pop group na Lapillus, tampok ang debut single nilang “Hit Ya!” sa ASAP stage kasama ang P-Pop girl group na BINI.

Bibirit naman ang top six hopefuls ng “Idol Philippines” Season 2 na sina Delly, Khimo, Kice, Ann Raniel, Ryssi, at Bryan kasama ang singing champions na sina Elha Nympha, Jed Madela, Anji Salvacion, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Reiven Umali, Kris Lawrence, Janine Berdin, Erik Santos, Frenchie Dy, Kyla, Laine, at Jason Dy pati ang ASAP icons at Idol PH judges na sina Gary Valenciano at Regine Velasquez.

Maki-disco naman kasama sina Alexa Ilacad, Enchong Dee, Nyoy Volante, Sheena Belarmino, Fana, Krystal Brimner, Vivoree Esclito, at ang buong “ASAP Natin ‘To” family.

Iinit naman ang dancefloor sa hatawan nina Chie Filomeno at Maymay Entrata kasabay ang D’Grind, habang may birthday pasabog din si Iñigo Pascual kasama sina Darren, AC Bonifacio, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy G, at Manoeuvres Ignite.

May duet performance din ang mga bida ng “Expensive Candy” na sina Carlo Aquino at Julia Barretto.

Lalarga rin sa ASAP stage si Morissette tampok ang kanyang panibagong single, at ang tandem katahan nina Lovi Poe at Martin Nievera.

At maki-awit din sa teleserye theme song duets nina Gary V., Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Kyla, Darren, Gigi de Lana, Morissette, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Huwag palampasin ang matinding concert experience na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Belle Mariano, hinirang na Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2022

Kim Chiu at Xian Lim, balik-tambalan sa kanilang pinakahihintay na big screen reunion na ‘Always’