Isang makasaysayang araw sa bansa ang muling masasaksihan ng mga Pilipino sa malawakang pag-uulat ng ABS-CBN News ng panunumpa ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa digital, free TV, digital free TV, at cable ngayong Hunyo 30.
Magsisimula ang “Panunumpa: The Marcos Inaugural” special coverage ng ABS-CBN News ng 9 am sa Kapamilya Channel at A2Z, TeleRadyo, at ABS-CBN News Channel (ANC). Mapapanood din online ang tatlong coverage na ito sa ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News Facebook page, ABS-CBN News App, at ABS-CBN News website.
Sina Henry Omaga-Diaz at Lynda Jumilla ang mangunguna sa paghahatid ng balita sa Kapamilya Channel at A2Z hanggang 1 pm pero magtutuloy ang coverage sa inagurasyon ng ika-17 pangulo ng Pilipinas online.
Sa TeleRadyo naman, magkakasunod sina Tony Velasquez at Danny Buenafe, Alvin Elchico at Johnson Manabat, at Peter Musngi at Rica Lazo hanggang 4 pm, kung saan makakasama nila ang ilang eksperto para magbigay konteksto sa mga pangyayari sa araw. Mapakikinggan din sila sa audio streaming sa TeleRadyo YouTube channel.
Hanggang 4 pm din ang “The Marcos Inaugural” special coverage ng ANC kasama sina Michelle Ong, Karmina Constantino, Ron Cruz, at Tony Velasquez. Abangan ang talakayan tungkol sa mga isyu kaugnay ng pagpapalit ng administrasyon at mga reaksyon sa unang opisyal na talumpati ni Marcos Jr. bilang bagong lider ng bansa.
Magtutuloy ang pagbabalita sa “TV Patrol” ng 6:30 pm, kung saan ipapakita rin ang mga eksena sa tradisyunal na paghaharap ng pababang pangulo at ang kanyang kapalit at mga seremonya sa National Museum.
Bukod sa streams, mayroon pang mga bidyo at artikulo para sa netizens sa news.abs-cbn.com, na kamakailan lang ay muling napabilang sa listahan ng mga pinakamalaking web publisher sa Facebook sa mundo dahil sa mga istorya at post nito sa Halalan 2022. Ayon sa social media analytics platform na NewsWhip, 13 milyon ang nakuhang engagement ng ABS-CBN News sa Facebook noong Mayo 2022.
Panoorin ang “Panunumpa: The Marcos Inaugural” special coverage ng ABS-CBN News simula 9 am sa digital sa ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News Facebook page, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News App, ABS-CBN Radio App, at ABS-CBN News TikTok account. Manood sa free TV sa A2Z, sa digital free TV sa TeleRadyo, at sa cable sa Kapamilya Channel, TeleRadyo at ANC.
Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNNews sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at news.abs-cbn.com. Para sa updates sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.