in

Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Dion Ignacio, mayroong quarantine tips!

Sa nakaraang episode ng Artist Hideout: Wednesday Coolitan, nagbigay ng quarantine tips ang Kapuso artists na sina Chynna Ortaleza-Cipriano, LJ Reyes at Dion Ignacio para matiyak ang kaligtasan ng kani-kanilang pamilya at frontliners sa gitna ng enhanced community quaratine.

Payo ni Chynna, “Just breathe. Take it easy. Every day, just surrender all anxieties or any kind of problems to the Lord because He’s got this.”

“The more na we comply, the faster na matatapos ito. Alam ko very creative ang mga Pinoy parents and I’m sure makakahanap ulit tayo ng paraan para magkaroon ulit ng source of livelihood sa mga naapektuhan. I’m sure din na gusto ninyo rin na protektahan din ang kids ninyo kaya stay home na muna,” lahad ni LJ. 

May mensahe naman si Dion sa mga frontliner, “Maraming salamat sa pagsuporta sa mga nangangailangan ng tulong. Huwag silang bibitaw kasi sa ngayon, sila ang ating mga bagong bayani. Huwang silang susuko. Pray lang po tayo kay Lord.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, nakahandang i-celebrate ang kaarawan sa isang live workout session

Jeric Gonzales, mas pumayat ngayong ECQ?