in

‘DonBelle’ suportado ang Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem

Nagpaalala ang young stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, na kilala sa kanilang mga tagahanga bilang “DonBelle”, sa mga Pilipino na ang pagboto ay isang “pagkilos ng pagmamahal” kasabay ng pag-endorso sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan bilang pangulo at bise presidente.

Nagpaalala ang young stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, na kilala sa kanilang mga tagahanga bilang “DonBelle”, sa mga Pilipino na ang pagboto ay isang “pagkilos ng pagmamahal” kasabay ng pag-endorso sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan bilang pangulo at bise presidente.

“Iboto natin sila Leni at Kiko! Dahil sila Leni at Kiko, siguradong pipiliin tayong mga Pilipino,” wika ni Donny at Belle sa isang video message kung saan iniugnay nila ang pag-ibig sa pagpili ng mga tamang kandidato sa darating na halalan sa Mayo 9.

“Tuwing eleksyon, ‘yan ang dapat tinatanong natin sa mga kandidato. Love mo ba ako? Love mo ba ang pamilya ko?” wika ni Belle.

“Love mo ba ang mga kaibigan ko? Ang mga kapwa ko Pilipino?” dagdag ni Donny, na pamangkin ni Senador Pangilinan.

Bilang botante sa unang pagkakataon, inihalintulad ni Belle ang pagboto sa pagpili ng unang boyfriend na totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.

“Unang beses akong boboto. At pakiramdam ko, parang pumipili ako ng una kong makakarelasyon… Sino ‘yung totoong nagmamahal sa’yo?” wika niya.

Sinabi naman ni Donny na dapat piliin ang mga kandidatong may napatunayan na, palaging naririyan tuwing panahon ng krisis at pangangailangan at tapat sa mga Pilipino.

“Someone you can see a future with kasi hindi ka iiwan lalo na sa panahon ng kagipitan… dahil ang number one ingredient sa love, aside from character… is you show up in the most difficult times… pag hindi nagshow up, hindi ka n’yan mahal,” wika pa niya.

“Yung ititindig ka. Yung may respeto sa’yo. Hindi ka aabusuhin, hindi ka lalamangan, hindi ka kakawawain,” sabi naman ni Belle ukol sa kanyang mga kandidato.

“Yung mga lider na radikal magmahal at ipapakita yun sa praktikal na paraan – hindi ka bibitawan kahit pa ano’ng bagyo, pandemic at problema ang harapin mo. Hindi tinitignan kung gusto mo s’ya o ayaw mo… basta Pilipino, pantay pantay ang pagtingin sa’yo,” dugtong pa niya

Nanawagan din ang love team sa mga kapwa kabataan na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamilya, kaibigan at sa bansa sa pagpili ng mga tamang kandidato sa darating na halalan.

“Love for your family dahil gagawin mo lahat para mapabuti ang buhay nila,” wika ni Belle.

“Love for your friends dahil gusto mong kasamang mabigyan ng pagkakataong tuparin ang mga pangarap,” dagdag naman ni Donny.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, may hatid na paalala para sa maayos at ligtas na ‘Halalan 2022’

Markus Paterson, Kyle Echarri, at Moophs, nagsama para sa R&B single na ‘Hotel Room’