in

Boobay at Tekla, makikipagkulitan sa netizens sa live chat session ng YouLOL

Ang unbeatable tandem nina Boobay at Tekla naman ang makikipakulitan at maghahatid ng good vibes sa viewers sa kanilang live chat session sa pinakabagong comedy channel ng GMA na YouLOL.

Sa pakikipagtulungan sa GMA Pinoy TV, aaliwin at pasasayahin ng Kapuso comedians ang netizens online sa YouLol Tonight presents ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Biyernes ng gabi (Mayo 15) at 8P.M.

Makikisaya rin sa special live chat session na ito ang comedienne na si Kakai Bautista a.k.a. the Dental Diva. Huwag palalampasin ang pagkakataon na maka-chat at maka-bond online sina Boobay at Tekla sa official YouLol page ng GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez, masaya sa paggaling ng aso nila ni Megan Young

Arra San Agustin, isiniwalat ang type na lalaki