in

Dingdong Dantes at Rhian Ramos, binalikan ang pagganap sa ‘Stairway to Heaven’

Kahit mahigit sampung taon na ang nakakalipas magmula nang umere sa Kapuso Network ang minahal na Pinoy adaptation ng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven, hindi malilimutan ng mga bidang sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ang ilang eksena sa naturang drama.

Dahil malapit na muling mapanood ito, ibinahagi nina Dingdong at Rhian ang mga tumatak na eksena nila bilang sina Cholo at Jodi sa isang exclusive interview sa GMA Network.

Hindi man daw napapanood ang pinagbibidahang Descendants of the Sun dahil sa enhanced community quarantine, masaya si Dingdong na muling masisilayan ang remake ng Koreanovelang Stairway to Heaven.

“Sana naibigan n’yo ito in the past, e, ma-appreciate nila ulit ito,” ani pa ni Dong.

Para naman sa katambal nitong si Rhian, isa raw ang Stairway to Heaven sa mga pinaka-memorable at challenging pero favorite niyang proyekto bilang artista.

Pahapyaw naman ng Love of my Life star, abangan daw ng viewers ang necklace scene pati na rin ang eksena kung saan nakalimot at may muling naalala ang karakter niyang si Jodi. “Napaka-timeless niya talaga kahit ‘yung mga nauuso na Koreanovela ngayon, tulad ng ‘Crash Landing On You,’ nababanggit ‘yung kwento ng ‘Stairway to Heaven,” dagdag pa ni Rhian. Tampok din sa Pinoy version ng Koreanovela sina Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Jean Garcia, Jestoni Alarcon, at Sandy Andolong. Gayundin sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na gumanap bilang batang Jodi at batang Cholo. Muling mapapanood ang Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven ngayong Lunes (May 18), pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Torres at Benjamin Alves, tampok sa ‘Magpakailanman’

Mikael Daez, masaya sa paggaling ng aso nila ni Megan Young