in

Tunay na mukha ng unity: Piolo Pascual suportado si Leni Robredo

Inanunsyo ng award-winning na aktor na si Piolo Pascual ang kanyang buong suporta para sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo, kung saan tinawag niya ito na tunay na mukha ng pagkakaisa o unity, at ang natatanging kandidato na makakapagbuklod sa ating bansa.

Inanunsyo ng award-winning na aktor na si Piolo Pascual ang kanyang buong suporta para sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo, kung saan tinawag niya ito na tunay na mukha ng pagkakaisa o unity, at ang natatanging kandidato na makakapagbuklod sa ating bansa.

Sa isang video message, sinabi ni Piolo na si VP Leni lamang ang tanging kandidato na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magsama-sama at magtulungan para sa ikabubuti ng lahat, at ang tanging nagbigay pag-asa para sa mas magandang bukas ng Pilipinas.

“Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan,” aniya ni Piolo.

“At ang totoong pagkakaisa, ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan,” dagdag pa niya, binigyang diin niya na ang mga Pilipino ay magiging buo ang suporta sa ganitong klase ng pagkakaisa.

Dagdag pa ni Piolo na ang tunay na pagkakaisa ng taumbayan ay makakamit lamang sa ilalim ng bukas, tapat, at mahusay na pamamahala na mabibigay lamang ni VP Leni.

“Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang,” binigyan-diin ni Piolo.

“At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon,” dagdag niya.

Diniin rin ni Piolo na binigyang inispirasyon rin ni Robredo ang Pilipino na magbayanihan lalo na noong panahon ng pandemya.

“Parang n’ung simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliners, mga nagkakaisang Pilipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksyunan ang kakulangan,” aniya ni Piolo.

“Sa punto ng buhay at kamatayan, ang pagkakaisa natin ang nagbigay ng tatag at pag-asa, kaya marami tayong nagagawa. Hindi para sa sarili, kundi para sa kapwa. Ganito ang itsura ng totoong unity.”

Ang ganitong klase ng pagkakaisa ang nagbibigay lakas sa mga Pilipino para ipahayag ang kanilang suporta sa kandidatura ni VP Leni; na marami pa nga ay naglalaan ng sariling pera at oras o mga abonado para dumalo sa mga grand rallies at magsagawa ng iba’t ibang aktibadad para sa kampanya ng bise presidente.

“Mga magsasakang naglalakad para makarating sa venue. Mga volunteers na gumagastos ng sariling pera para mangampanya. Mga nanay na kasama ang mga anak nila sa laban,” aniya ni Piolo.

Kamakailan, humigit 220,000 na tagasuporta at volunteers ni VP Leni ang nagtipon-tipon sa San Fernando Pampanga, na tinatayang pinakamaraming attendees nang magsimula ang kampanya.

Nakapokus ang “Oplan Angat Agad” ni VP Leni sa trabaho, kalusugan, at edukasyon.

Nais ni VP Leni na masigurado na bawat pamilyang Pilipino ay may miyembrong nagtratrabaho at sumasahod. Sisiguraduhin rin niya na ang mga mawawalan ng trabaho ay makakakuha na tatlong-buwang ayuda habang naghahanap ng kapalit na trabaho.

Siniguro rin ng bise presidente na bawat pamilya ay mayroong mapupuntahang libreng doktor, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan at makapagbigay ng libre at de-kalidad na edukasyon para matupad ang pangarap ng lahat.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN at Vice Ganda, pinagkakatiwalaan pa rin ayon sa Reader’s Digest Trusted Brands 2022

Dating ‘PBB’ Housemates, Gigi de Lana, Dimples Romana, tampok sa bagong online shows ng ABS-CBN