Hindi nga lang ang Kapuso celebrities at news personalities ang tinututukan ng participants ng on-going GMA Masterclass Series ng GMA Network.
Patok din sa young audience mula sa iba’t ibang schools ang Kapuso screenwriter, series creator, at creative consultant na si Suzette Doctolero.
Nitong Perbrero, nagsimula na ang pag-ikot ng GMA Masterclass Series sa Visayas at this March nasa Mindanao naman ito. Layunin nitong bigyang-kaalaman ang mga Pilipino lalo na ang kabataan at mga botante para sa Eleksyon 2022.
At balita nga namin ay napabilib ni Suzette ang attendees sa Cebu, Cagayan de Oro, at Davao. Game na game kasi siya sa pagsagot sa mga tanong. Matatandaang si Suzette ang nasa likod ng maraming hit GMA dramas tulad ng Amaya, Encantadia, My Husband’s Lover, at Legal Wives.
Ilan pa sa mga Kapuso na nag-share ng kanilang kaalaman sa Visayas leg ay sina Rabiya Mateo, Jose Sarasola, Sandra Aguinaldo, Audrey Domasian, Darylle Marie Sarmiento, Adrian Prietos, Raffy Tima, Joselito Natividad, Janus Victoria, Nikko Sereno, Ivan Mayrina, at Lou Anne Mae Rondina.
Last March 15, kasama ni Suzette para sa Mindanao leg sina JR Royol, Doc Nielsen Donato, Julia Claire Medina, at Cyril Chavez sa Cagayan de Oro. Noong March 16, sina Suzette, Mariz Umali, Alex Jemimah Castro, Sarah Hilomen-Velasco, Jose Sarasola, at Christian Bautista ay nasa Davao naman bago sila pumuntang General Santos City sa March 17 kasama si Jandi Esteban. At sa March 24, makakasama ni Suzette sina Bianca Umali, Rita Daniela, Raffy Tima, Darling De Jesus-Bodegon, Theodore Jason Patrick Ortiz, at Hilomen-Velasco sa Zamboanga City.