in

Isabel Laohoo at Nathan Juane, tinanghal na adult Kumunity Top 2 ng ‘PBB’

Matapos ang sunod-sunod na matitinding hamon ni Kuya, kinilala sina Isabel Laohoo at Nathan Juane bilang Adult Kumunity Top 2 ng “Pinoy Big Brother” (PBB) Season 10 noong weekend.

Sina Isabel at Nathan ang nakatanggap nang pinakamaraming votes to save mula sa outside world kaya naman sila ang tinanghal na Top 2 ng Adult Edition. Nanguna si Isabel sa botohan na may 29.56 percent at pumangalawa naman si Nathan na may 20.93 percent.

Maghaharap sina Isabel at Nathan at ang Celebrity Top 2 na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion, pati ang tatanghaling Teen Edition Top 2, para sa titulong Big Winner. Sabay namang lumabas ang tatlong hindi pinalad masungkit ang Top 2 na sina Michael Ver Comaling, Seham Daghlas, at Zach Guerrero noong weekend.

Samantala, nagsimula na rin ang panibagong yugto sa “PBB Kumunity” dahil umarangkada na ang Big Summer Adventure ng teen housemates ni Kuya. Ngunit imbes na sa bahay ni Kuya sila papunta, mananatili muna sila sa kabundukan para sa isang camping trip na siksik sa sorpresa at tasks mula kay Kuya.

Nahati sa dalawang camps ang 11 housemates sa pagpili nila ng kanilang sash. Napunta sa Camp Masagana sina Maxine Trinidad (“Ang Sassy Sports Gal ng Davao”), Gabb Skribikin (“Ang Idol Ate ng Pasig”), Dustine Mayores (“Ang Bida Pamilya Boy ng Marikina”), Eslam El Gohari (“Ang Masipagwapong Anak ng Makati”), at Rob Blackburn (“Ang Traveling Wonder Lad ng Laguna”).

Nasa Camp Matiyaga naman sina Ashton Salvador (“Ang Shy Dreamboy ng Quezon City”), Don Hilario (“Ang Lola’s Boy Galing ng Laguna”), Kai Espenido (“Ang Brave Island Girl ng Siargao”), Luke Alford (“Ang Breadwinner Bunso ng Batangas”), Stef Draper (“Ang Darling Defender ng Paranaque”), at Tiff Ronato (“Ang Brainy Big Sister ng Samar”).

Ano’ng mga hamon kaya ang naghihintay sa Camp Masagana at Camp Matiyaga? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm kasama ang ex-celebrity housemate ni Kuya na si Jordan Andrews.

Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Teleradyo, ginawaran ng pinakamataas na parangal para sa radyo sa 6th Gems Awards

Vhong Navarro and Ogie Alcasid, naghatid saya at katatawanan sa unang gabi ng ‘It’s Showtime’s It’s Sharetime’ para sa mga biktima ng Odette