in

Aiai Delas Alas, katuwang ang buong pamilya sa kanyang baking business

Marami ang napabilib sa Kapuso actress at comedienne na si Aiai Delas Alas dahil sa kabila ng pinatupad na enchanced community quarantine sa Luzon ay nakahanap ito ng bagong mapaglilibangan at mapagkakakitaan.

Kahit na naka-lockdown sa bahay, nakahanap ng sideline ang Comedy Queen at ito ang pagiging baker. Ginamit niya ang kanyang culinary skills at tinayo ang business na ‘ Martina’s Bread and Pastries.’

Ang pinakapopular niya na product ay ang ube pandesal na patok na patok sa kanyang mga customers. May isang netizen pa  nga ang kinumpara ito sa isang Japanese pastry.

Malaki naman ang pasasalamat ni Aiai sa lahat ng tumatangkilik sa kanyang mga produkto.

Aniya, “Nakakataba ng puso ang level naman namin ay pang-Japanese store na. Hehe. Salamat po. To God be the glory.”

Ayon kay Aiai, buong pamilya niya ang katuwang niya sa paggawa ng lahat ng kanilang produkto kaya made with love ang lahat ng ito. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Derrick Monasterio, may handog na kanta para sa frontliners

Iya Villania, nagbahagi ng potty training tips para sa mga nanay