in

BINI at BGYO, nagpasiklab sa Uplive Worldstage Grand Finals

Ibinandera ng BINI at BGYO ang talento at karisma ng Pilipino sa kanilang pagtatanghal bilang special guests sa Uplive Worldstage Global Singing Competition, na napanood sa buong mundo sa Uplive app.

Humataw at umawit ang dalawang P-pop group mula sa ABS-CBN ng kanilang kani-kaniyang hit song na “Born To Win” at “The Baddest” sa taunang kompetisyon ng Uplive, ang pinakamalaking independent video social entertainment platform sa mundo.

Sa panayam sa kanila bago tumapak sa entablado, ibinahagi ng P-pop sensations kung paano nila hinaharap ang pandemya at ang kanilang patuloy na pag-angat sa industriya ng musika.

Kwento ni Aiah, sa social media at livestreams sila kumokonek sa kanilang mga tagasuporta dahil hindi sila makalabas upang makita ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at fans. Para makapag-bonding, hilig daw nila ang gumawa ng mga bagay nang sama-sama tulad ng movie night.

Ang kanilang mga kapatid naman sa BGYO, nagagalak din sa tinatamo nilang tagumpay. Ayon kay Nate, marami silang naransan at naabot na hindi nila akalaing kaya nilang abutin. Palagi rin daw nilang kasama ang ACEs at nagpapasalamat sa lahat ng dumarating sa kanilang buhay.

Kasama ni Aiah sa BINI sina Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, habang sina Nate, Gelo, Akira, Mikki, at JL naman ang bumubuo sa BGYO. Mga produkto ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN ang dalawang grupo at kasalukuyan din silang naka-pirma sa Star Magic, ang pinakamalaking talent management at development agency sa bansa.

Mula nang nag-debut, patuloy ang pagsikat ng dalawang grupo na mayroon na ring mga tagahanga sa iba’t ibang parte ng mundo. Bukod sa music videos na may milyon-milyong views, na-feature na rin ang BINI sa MTV Asia habang nag-number one naman ang BGYO sa Global Next Big Sound chart ng BGYO.

Maliban sa kanila, nagdala rin ng karangalan sa bansa ang Pilipinong si Harvey Dave Nino mula Isabela, na siyang nanalo ng Grand Prize sa Uplive Worldstage Global Singing Competition. Wagi ang 22 taon gulang na singer ng record deal, cash prize, at kanta at video na ipo-produce ng isang Grammy award winner na producer. Dinaig niya ang 19 pang ibang finalists na napili mula sa libo-libong kalahok mula sa 150 rehiyon sa mundo.

Naroon din bilang isa sa mga hurado si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, kasama ang iba pang respetadong pangalan sa industriya ng musika tulad ni Emmy at Grammy award winner Paula Abdul.

Opisyal na media partner ang ABS-CBN ng Uplive Worldstage, na dating tinatawag na Singing for the World. Inaabangan ang grand finals nito na ini-stream sa Uplive app at pinalabas din sa iba’t ibang ABS-CBN digital platforms tulad ng iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel. I-download ang Uplive app dito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vanya, alay sa ganda at lakas ng mga babae ang debut EP na ‘Woman’

KDLex hatid ang sariling kwento sa mga kantang ‘Misteryo’ at ‘When I See You Again’