in

Cherie Gil, ibinida ang kanyang vegetable garden

Ibinida ni Kapuso actress Cherie Gil ang kanyang masaganang ani ng ampalaya, talong, okra, romaine lettuce, arugula at bokchoi mula sa kanyang vegetable garden.

Isa ang award-winning actress sa mga sumubok sa backyard farming bilang pampalipas-oras habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang parte ng bansa.

Sinimulan daw ng mahusay na aktres ang pagtatanim noong inanunsiyo ang lockdown sa Luzon at masaya itong makita ang unti-unting pagtubo ng kanyang mga pananim na gulay.

“The veggie garden we set up soon after lockdown has began to sprout! Some already harvested from backyard to table! What an amazing feeling! Amapalya, talong, okra, mesclun, romaine, arugula, bokchoi,” ani ni Cherie sa kanyang Instagram post.

Samantala, huling linggo na ng rerun ng Onanay kung saan napapanood si Cherie sa GMA Afternoon Prime. Sa darating na Lunes (Mayo 18), papalitan ito ng minahal na Philippine adaptation ng Korean drama na ‘Stairway To Heaven’ na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joyce Ching, excited nang mag-honeymoon pagkatapos ng ECQ

Joyce Pring, naging emosyunal sa throwback Korea vlog