in

Joyce Ching, excited nang mag-honeymoon pagkatapos ng ECQ

Ibinahagi ni Joyce Ching ang mga bagay na excited siyang gawin pagkatapos ng enhanced community quarantine. Ilan sa mga ito ay ang pumunta sa church at bisitahin ang kanyang pamilya.

Kuwento niya, “Sobrang na-miss ko talaga ‘yung you’d go to church with your family, kasama ‘yung buong church community, buong congregation.”

“Ang tagal namin hindi nagkikita (ng family ko) because of ECQ. Sa family ko usually talaga weekly kami nagkikita because of church or minsan kumakain kami,” dagdag pa niya.

Excited na rin si Joyce na mag-honeymoon kasama ng kanyang asawa, subalit upang makasiguro ang kanilang kaligtasan baka matagalan pa muna bago sila matuloy.

Aniya, “Hindi pa kami nakakapag-honeymoon ng husband ko. Most probably hindi pa rin naman kami makakatuloy because of coronavirus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins, may na-discover kay Pancho Magno habang naka-quarantine sa bahay

Cherie Gil, ibinida ang kanyang vegetable garden