in

TikTok Sensation Esnyr Ranollo, bibida sa bagong YouTube show ng ABS-CBN

Back-to-back ang kilig at kulitan sa ABS-CBN YouTube channels dahil handog nito ang pinakabagong online parody show na “Star Cine-Mashup Presents: Esnyr” at mayroon ding bagong episodes ng “HIH Extras 2” kasama sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Nakakaaliw ang TikTok sensation na si Esnyr Ranillo sa parody videos niya ng mga pinakasikat na eksena ng mga pelikula at serye ng Star Cinema sa “Star Cine-Mashup Presents: Esnyr” kada Huwebes, 7 PM sa Star Cinema YouTube channel. Unang gagampanan ni Esnyr si Maxpein (Belle) ng “He’s Into Her” sa eksena kung saan sinugod at kinumpronta niya si Deib (Donny) sa episode ngayong Pebrero 24.

Napapanood din ng fans ng “He’s Into Her” ang “HIH Extras 2” kada Lunes ng 7 PM sa YouTube channel ng Star Cinema. Nagpakilig sina Donny at Belle sa unang episode kung saan naglaro sila ng truth or dare, habang nakipagkulitan sina Belle at iba pang bida ng serye sa isang salad-making challenge sa ikalawang episode.

Pwede namang kumuha ng good vibes at inspirasyon sa motivational quotes na ibabahagi sa “Happy Pill” kada Linggo ng 7 PM sa My Prayer Channel.

Mae-enjoy ang mga “Made for YouTube” shows na ito kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Cinema.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sharon Cuneta, dinukot sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Gin Regidor, Isabel Laohoo, Kathleen Agir, Roque Coting, at Zach Guerrero, face possible eviction in ‘PBB Kumunity’