in

‘GKNB Kumu Weekend Party,’ mamimigay ng aabot sa P500,000 na papremyo

Isang maswerteng player ang nanalo ng P300,000 sa premiere episode ng “GKNB kumu Weekend Party,” ang simula ng ikalimang season ng pambansang game show na nagbabalik sa kumu at napapanood din sa Jeepney TV Facebook page at Jeepney TV YouTube channel at mamimigay ng aabot sa P500,000 na papremyo kada episode.

Nitong Sabado (Pebrero 19), nagwagi ng grand prize ang 24-anyos na si Jan Marie Tejada, isang accountant na mahilig maglaro ng trivia games sa kumu. Naungusan niya ang mga kalaban sa ‘Pyramid Game’ at nasagot nang tama ang lahat ng anim na tanong sa final round ng segment. Nag-qualify siya sa laro matapos maging isa sa apat na participants na nanguna sa daily #KumuGKNB livestream challenge. Nag-uwi naman ng tig-P10,000 na consolation prize ang tatlong players na hindi nakapasok sa final round.

Hudyat na nga ng pagbabalik ng interactive game show ang “GKNB kumu Weekend Party” ng Jeepney TV, na eksklusibong nalalaro sa @gknb sa kumu tuwing ikatlong Sabado ng buwan simula ngayong Pebrero.

Ayon sa game master at host na si Robi Domingo, “level-up ang games, ang excitement, at lalong-lalo na ang prizes” sa bagong season nito kung saan may nakatayang P500,000 na cash prize bawat episode.

Bukod sa ‘Pyramid Game,’ pwede ring sumali sa ‘Pili-Pinas’ segment ang mga manonood kung saan sampu ang pwedeng manalo ng hanggang P10,000 kapag naunang makasagot nang tama sa mga tanong ni Robi. Kaabang-abang din ang iba pang segments kung saan pwede ring manalo ng iba’t ibang halaga ng cash prize ang kumunizens gaya ng ‘The Ultimate Halo-Halo Party,’ ‘Pilipinas, Share Mo Na!,’ at ‘K KNB? Akyat Na!.”

Buksan na ang bagong kaalaman at mag-uwi ng mga papremyo sa pagsali sa “GKNB kumu Weekend Party” at abangan ang susunod nitong episode sa Marso 19 (Sabado), 1 pm! I-download na ang kumua app now at sundan ang @gknb. Mapapanood din ang game show sa Jeepney TV Facebook page at Jeepney TV YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘PBB Connect’ ex-housemate Ella Cayabyab, bibida sa ‘Pilikula: Her Story’

Karina Bautista at Aljon Mendoza, bibida sa kanilang unang ‘MMK’ episode bilang love team