in

Rocco Nacino, nagbahagi ng ilang behind-the-scenes stories mula sa “Bar Boys”

Libre ngayong napapanood sa YouTube ang comedy-drama film na ‘Bar Boys’ tampok ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Sa 2-part vlog na mapapanood sa kanyang official YouTube channel, ibinahagi ni Rocco ang mga behind-the-scenes kwento kung paano nila na-accomplish ng kanyang castmates ang mga trending na eksena.

Ibinunyag niya ring kahit nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng kanyang lola, itinuloy niya pa rin ang pagte-taping.

Samantala, maraming naaliw sa ‘Totropahin o Jojowain’ challenge nina Rocco, Lucho Ayala, Paul Salas, Jon Lucas, at Prince Clemente noong Martes sa GMA Artist Center online show na ‘PareKuys.’

Sinu-sino kaya ang kanilang mga gustong maging jowa o tropa? Alamin sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Artist Center!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, sumubok sa “Tagalog Only Challenge”

Janine Gutierrez, naniniwalang responsibilidad ng mga celebrity na maging sensitibo sa gitna ng COVID-19 crisis