in

‘Di natitinag! ‘KMJS,’ number 1 pa rin!

Hindi pa rin natitinag ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) dahil ito pa rin ang number 1 news and public affairs show sa Philippine TV at siya ring most followed Philippine TV program sa Facebook.

Talaga namang walang sawa ang viewers sa pagtutok sa show ni Jessica Soho. Sa ikaapat na magkakasunod na taon, ang KMJS ang paboritong Sunday TV program ng pamilyang Pinoy matapos nitong makakuha ng 19.4 percent average NUTAM (National Urban TV Audience Measurement) people rating–katumbas ng 9.4 million viewers sa primetime–base sa 2021 data ng Nielsen Philippines.

Sa 27 million followers nito, hindi rin kataka-taka na KMJS ang Philippine TV program na may pinakamataas na followers sa Facebook. Noong nakaraang taon lamang, pumalo sa mahigit 164 milyon ang online engagement sa KMJS Facebook page.

KMJS din ang nangungunang palabas sa YouTube channel ng GMA Public Affairs. Noong 2021, ang mga video ng KMJS ay humakot ng 6 billion combined views sa Facebook at YouTube. Syempre pa, palagi ring trending sa Twitter ang KMJS.

Paano naman kasi, hitik sa impormasyon at entertainment ang KMJS. Nagiging daan din ang programa upang makatulong sa publiko. Mapa-Pinas o abroad, kinikilala rin ang galing ng KMJS at ni Jessica. Congrats, KMJS!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jodi Sta. Maria, inakit si Ketchup Eusebio sa ‘The Broken Marriage Vow’

Bagong ‘He’s Into Her Extras,’ classic romance movies magpapakilig sa YouTube