in

Willie Revillame, mas pinabongga ang mga papremyo sa 5th anniversary ng ‘Wowowin’

May bonggang sorpresa ang Wowowin sa pagdiriwang ng kanilang ika-limang anibersaryo. At sa limang taon ng programa sa GMA Network ay naging totoo ito sa paghahatid ng saya at pag-asa kahit sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ani ng Kapuso host na si Willie Revillame, “Kaya kami nandito para makapagbigay ng kasiyahan, kaligayahan, at siyempre magbigay pa of course ng pag-asa sa buhay. Sama-sama tayong mga Pilipino. Ito ang oras para tayo’y magkapit-bisig, maghawakan ng kamay, ‘wag na magsitahan, ‘wag na magkita ng mga pagkakamali ng bawat tao.

“Sa lahat po ng ating kabababayan ngayong araw na ito na ngayon po ay may pinagdadaanan tayo, taos-puso po kaming dumadamay sa inyo. At kailangan ho talagang mataimtim na pagdarasal sa ating Mahal na Panginoon para po malagpasan na natin itong pagsubok sa buhay. Marami hong pagsubok sa buhay pero nasa sa atin ‘yan kung paano natin ito lalabanan. Importante ho sama-sama tayo,” dagdag pa niya.

Anu-ano kaya ang mga papremyong ito? Tutok lang sa ‘Wowowin,’ mula Lunes hanggang Biyernes sa YouTube, Facebook, Twitter at GMA-7

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, naniniwalang responsibilidad ng mga celebrity na maging sensitibo sa gitna ng COVID-19 crisis

Gabby Concepcion, ipinasilip ang simpleng buhay sa Batangas