in

Laglagan ng ‘Bubble Gang’ babes sa live chat ng YouLOL, patok sa netizens

Tila pansamantalang nakalimutan ng netizens ang problemang dulot ng COVID-19 pandemic matapos ang nakakaaliw na video conference ng Bubble Gang babes na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Arra San Agustiin, Faye Lorenzo, Lovely Abella, at Kim Domingo sa pinakabagong YouTube channel ng GMA Network na YouLOL.

Nakakaaliw at nakakatanggal stress ang usapan ng BG babes na mostly ay tungkol sa kanilang mga opinyon sa dating, courting, at relationship.

Bumuhos ang pasasalamat sa nakakaaliw na pa-live chat ng Bubble Gang babes mula sa netizens na paniguradong bored sa kani-kanilang bahay o di kaya’y lugmok sa mga problema bunsod ng kinakaharap na krisis, “YouLOL salamat po sa live chat, kahit naka-lockdown napapasaya nyo pa rin ang mga tao.”

Bisitahin at mag-subscribe na sa pinakabagong comedy YouTube channel na YouLOL na tiyak na magpapasaya sa inyo ngayong quarantine.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

David Licauco, may makaka-date online?

Kapuso hunks, sasabak sa ‘Totropahin o Jojowain’ challenge