in

ABS-CBN, hinirang na Most Outstanding Media Company sa the 4th Gawad Lasallianeta

Patuloy na umaani ng pagkilala ang ABS-CBN sa kabila ng kawalan ng prangkisa matapos magwagi ng 24 na parangal sa The 4thGawad Lasallianeta kabilang ang Most Outstanding Media Company para sa Kapamilya Channel.

Pinili rin ang DZMM o TeleRadyo na Most Outstanding AM Radio Station, samantalang Most Outstanding Facebook Page ang ABS-CBN Entertainment na mayroon nang 32 million followers.

Humataw rin ang “He’s Into Her” ng iWantTFC na ibinotong Most Outstanding Drama Series habang “ASAP Natin ‘To” ang tumanggap ng Most Outstanding Variety Show at ang “Tawag ng Tanghalan” naman ng “It’s Showtime” ang ginawaran ng Most Outstanding Talent Competition award.

Humakot din ng parangal sina “It’s Showtime” host Vice Ganda, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo. Most Outstanding Entertainment Show Host at Most Outstanding Comedian si Vice, habang si Daniel ang Most Outstanding Dramatic Actor (The House Arrest of Us), Most Influential Male Celebrity, at Most Effective Male Celebrity Endorser. Wagi naman si Kathryn bilang Most Influential Female Celebrity at Most Effective Female Celebrity Endorser.

Tuloy pa rin ang pagtanggap ng pagkilala nina Jodi Sta. Maria at Paulo Avelino para sa kani-kanilang proyekto na “Ang Sa Iyo Ay Akin” at “Fan Girl, kung saan hinirang silang Most Outstanding Dramatic Actress Most at Most Outstanding Performance by An Actor in a Filipino Film. “Fan Girl” naman ang Most Outstanding Filipino Film. Tinanghal namang Most Outstanding News/Current Affairs Talk Show Host si Boy Abunda at tumanggap ng Green Zeal Award for Excellence as a Lasallian Public Communicator ang bida ng “Bagman” na si Arjo Atayde.

Hindi rin nagpahuli ang ABS-CBN News sa panalo nina Noli “Kabayan” De Castro (Most Outstanding Radio Broadcaster), Jeff Canoy (Most Outstanding Male Correspondent), at Karen Davila (Most Outstanding Public Affairs Show Host). “

Maski wala na sa ere, tumatak pa rin ang current affairs shows na “Umagang Kay Ganda” (Most Outstanding Morning Show), “SOCO” (Most Outstanding Public Affairs Show), at “Matanglawin” (Most Outstanding Informative/Educational Show).

Ginanap ang The 4th Gawad Lasallianeta noong Miyerkules (Pebrero 2) sa pagdiriwang ng De La Salle Araneta University ng ika-76 na anibersaryo nito. Layunin nitong bigyang pagkilala ang pinaka-epektibo at maimpluwensyang personalidad at palabas sa media at social media sa bansa. Pinili ang mga nanalo sa pamamagitan ng isang university-wide online survey na nilahukan ng DLSAU admin staff, faculty members, mga magulang, at mag-aaral.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fr. Tito Caluag hatid ang usapang sibika sa programang ‘Proyekto Pilipino’

Iba’t ibang kwento ng pag-ibig, matutunghayan sa ‘MMK’ ngayong Pebrero