in

DonBelle, Jodi Sta. Maria, JM de Guzman, and Yam Concepcion, pinarangalan ng Fil-Am Community

Tagumpay ang baon ng ilang Kapamilya stars sa pagpasok ng 2022 matapos tumanggap ng pitong parangal mula sa Filipino-American community sa 2021 TAG Awards Chicago kamakailan lang.

Dahil dito, may kabuuang 237 awards ang tinanggap ng ABS-CBN noong 2021 mula sa 39 award-giving bodies dito at sa ibayong dagat. Kasama rito ang mga award para sa kumpanya mismo, sa iba-iba nitong plataporma, mga programa, pelikula, proyekto, lider, artista, at talent.

Panalo ang New Gen Phenomenal Loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle” bilang Loveteam of the Year, samantalang nag-tie sina Jodi Sta. Maria (Ang Sa Iyo Ay Akin) at Yam Concepcion (Init sa Magdamag) bilang Best Actress.

Nagwagi rin ang co-star ni Yam na si JM De Guzman bilang Best Actor, habang Best Supporting Actress si Andrea Brillantes (Huwag Kang Mangamba) at Best Supporting Actors naman si Grae Fernandez (Ang Sa Iyo Ay Akin). Tinanghal naman na Influencer of the Year ang sikat na YouTuber na si Ivana Alawi na magkakaroon ng bagong programa sa ABS-CBN.

Isinasagawa ang 2021 TAG Awards Chicago ng TAG Media Chicago na inanunsyo ang mga panalo sa bisperas ng Bagong Taon sa Amerika. Nagtatampok ang TAG Media Chicago ng mga nakaka-inspire na kwento ng mga celebrity at influencer sa YouTube, TikTok, & Instagram. Mga miyembro ng Filipino-American community sa Chicago ang nagbotohan upang mapili ang mga nagsipagwagi. .

Sa kabila ng ng shutdown noong 2020, lubos na nagpapasalamat ang ABS-CBN sa patuloy na pagkilala noong nakaraang taon, kung saan ginawaran ito ng  Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon ng 5th GEMS Awards, TV Station of the Year mula sa  2nd VP Choice Awards, at Best TV Station sa 34th PMPC Star Awards for TV. Nangunguna rin ito bilang employer para sa mga graduate sa larangan ng Media and Communications ayon sa GradPhilippines’ Top 100 Graduate Employers 2021 at patuloy na pinagkakatiwalaan ng consumers ayon sa survey ng Reader’s Digest.

Tanging ABS-CBN lang din ang may regional winner mula sa Pilipinas sa Asian Academy Creative Awards 2021, kung saan nanalo si Vice Ganda bilang Best Entertainment Program Host. Tuloy din ang winning streak sa 2021 New York Festivals World’s Best TV & Film Awards sa pagkapanalo ng entry ng ABS-CBN DocuCentral na “Fedelina: A Stolen Life” ng Silver World Medal.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sue Ramirez, ipaglalaban ang pagmamahal kay Zanjoe Marudo sa ‘The Broken Marriage Vow’

Jaime Fabregas inindorso Leni Robredo, nanawagan sa mga kapwa Bicolano na mag-recruit ng mas maraming supporter para kay Robredo