in

‘MMK,’ bibigyang buhay ang kwento ng Tokyo 2020 Silver Medalist Carlo Paalam

Patuloy ang pagbibigay pugay ng “MMK” sa mga atletang Pilipino sa pagpasok ng taon sa pag-ere nila ng buhay niTokyo 2020 Olympic silver medalist na si Carlo Paalam ngayong Sabado (Enero 8).

Bata pa lamang, naging masaklap na ang buhay para kay Carlo (CJ Navato) nang abandunahin siya at kanyang mga kapatid ng sariling ina. Tumira sila sa kanilang mga kamag-anak na kung ituring sila ay walang mga kwenta. Hindi nagtagal ay binalikan naman sila ng kanilang ama at napilitan naman manirahan sa kulungan ng mga baboy.

Makikilala niya si Hernan (Mon Confiado) na iimbitahan siya bilang sparring partner ng anak. Aalukin siya na ipagpatuloy ang pagiging boksingero. Kalaunan ay naging tanyag na boksingero si Carlo sa kanyang bayan.

Ngunit sa kanyang pagsusubok sa international competitions, madadapa ang baguhang boksingero nang hindi siya makakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Paano kaya nanumbalik ang kompyansya ni Carlo sa sarili? Ano-ano pa kaya ang pagsubok na kanyang naranasan bago makamit ang silver medal sa Tokyo 2020 Olympics?

Samantala, nakatakdang parangalan ngayong buwan ang “MMK” bilang Best Episodic TV Program sa 2021 CFO Migration Advocacy and Media (MAM) Awards para sa episode na Maalaala Mo Kaya: Saudi Survivor, “Tubig.” Umikot ang kwento kay Sarah (Shaina Magdayao) na piniling talikuran ang pangarap na makatapos ng pag-aaral at pinakasalan ang isang mapang-abuso lalaki.

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I Can See Your Voice,’ nagbabalik; home viewers kasali na rin!

Vivoree Esclito, Jane Oineza, Elmo Magalona, JC Alcantara, Shanaia Gomez, at Belle Mariano may dalang aral sa ‘Click, Like, Share’ Season 3