in

Katrina Halili, nilibot ang El Nido, Palawan sakay ng isang yate

Sa latest vlog ng Prima Donnas actress na si Katrina Halili, ipinasilip niya sa kanyang fans ang pagbiyahe niya sa El Nido, Palawan kasama ang anak na si Katie at mga kaibigan.

Ayon kay Kat, first time niyang libutin ang isla sakay ng isang yate, “First time ko magto-tour, mag-a-island tour with a yachtz Arte-arte, medyo nakaahon ahon na sa buhay. Alam mo ‘yun?”

Binisita nila ang Small Lagoon at Cadlao Lagoon.

Samantala, habang time out sa taping ang Prima Donnas, pansamantalang napapanood sa timeslot nito ang Onanay na pinagbibidahan nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Cherie Gil, Jo Berry at ni Ms Nora Aunor.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, naging emosyunal sa Mother’s Day video

Awitin ni Faith Cuneta, muling maririnig sa pagbabalik ng ‘Stairway to Heaven’ sa GMA Network